Biyernes, Pebrero 25, 2011

Talambuhay ni Weiland Lozada..

Ako si Manuel Weiland Taboso Lozada,ipinanganak noong ika-5 ng Pebrero 1995,sa syudad ng San Pablo.Ang mga magulang ko ay sina Adrian Lozada at Claribel Taboso. Lumaki ako sa piling ng lola ko na si Corazon Alquiroz Lozada at sya ang nagpalaki at nagpaaral sa akin.Nag-aral ako sa mababang paaralan ng Concepcion. At ngayon ay nag-aaral naman ako sa mataas na paaralan ng Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School. Pangarap kong maging isang guro kapag nakatapos ako ng pagaaral. Mahilig akong magalaga ng hayop at mga halaman.At isa sa mga pinaka paborito kong hayop ay ang pusa.

Ang aking mga alagang pusa
 
Kaya ko gustong maging isang guro ay para matulungan ko ang mga batang walang kinalaman sa mundong ibabaw.May mga kapatid ako,at sila ay sina Alexxandra Nicole Jesalva Lozada at si Frenesi Angeline Taboso Falomar.

Alexxandra Nicole Jesalva Lozada

Frenesi Angeline Taboso Falomar


Ako
 
At ito ang mga nang ako ay naging isang bata,nung una akong naging istudyante sa grade 1,ako ay tahimik lang at iyakin.Hindi pa ako marunong noon magsulat at bumasa.Naging guro ko noon si Gng. Alvarez na sobrang taray pero mabait.Ilang beses nya akong pinapalo dahil hindi ako marunong magbasa at lagi akong huli sa klase dahil sa paglalaro.At ang laki ng ipinagbago ko noong ako ay napunta sa pangalawang antas (Grade 2) at naging guro namin doon ang pinaka paborito kong titser sa aming eskwelahan na si Gng. Agustin.Dito, natuto na akong magbasa,magsulat,magsaulo, at maglakwatsya.Grade two pa lang ako noon ay marunong na akong pumunta sa Sampalok Lake,dahil may daan sa amin pababa ng sampalok lake.Noong unang beses akong pumunta doon ay napagalitan ako ng lola .
Simula noon ay hindi na muli ako pumunta doon.Noong ako ay Grade three na ako ay lumipat sa mababang paaralan ng Guerilla dahil napakataray ng titser ko doion sa Concepcion na si Gng. Mollasgo.Noong napalipat naman ako sa Guerilla ay mas mataray pa pala ang guro doon kaya ako ay umiyak.Wala na akong magagawa dahil ako ay enrolled na.Kinuha ako ng nanay ko at sya ang nagpaaral sa akin.At doon ako nag-aral ng Grade three at Grade Four.Hindi nagtagal,hindi na ako kayang pag-aralin ng aking nanay kaya bumalik ako sa lola ko.At pinag-aral niya akong muli sa Concepcion elementary school.Nang bumalik ako doon,
Hindi ko inaasahang magiging guro ko si Gng. Mollasgo,ang aking pinaka kinatatakutang titser.Namamalo siya ng kamay kapag walang assignment.Kaya lagi na akong nagawa.Magaling naman siyang magturo,kaya lang nagtitinda siya nang hindi alam ang principal sa loob ng room.Kaya siya ay napagalitan ng principal.Nakadaos din ako sa kanya at ako ay isa nang Grade Six.Tuwang tuwa ako noon dahil ang titser ko ay kapit bahay namin.Marami akong nakaaway noon dahil ako raw ay isang bakla ,tinanong ko sila kung bakit ayaw nila sa akin,hindi naman sila nasagot.padating na ang graduation at todo na ang pag-papraktis namin.At dumating na ang graduation namin.Tuwang tuwa ako pag-kaabot sa akin ng diploma.Sa graduation song namin,ako ang may hawak may hawak ng mic dahil ako ang pinili ng titser namin.Npakaiyak ako at hindi ako nakakanta ng maayos.At doon ako nakapagtapos na elementarya.
Lagi nalang akong napapagalitan sa amin dahil matigas ang ulo ko.Minsan lang ako gumawa ng tama.Minsan ayaw din sa akin ng mga tao sa amin dahil ako daw ay isang bakla.Naisip ko noon ano ba ang ayaw nila sa isang bakla? bakit sila naiinis sa akin?At bakit sila galit na galit sa akin?.Sinubukan kong humingi ng pasensya sa kanila at pinatawad naman nila ako.Pero wala naman akong ginagawang masama.Tuwang tuwa sila kapag ako ay kumakanta dahil ang ganda daw ng boses ko.Sinubukan kong sumali noon sa singing contest na ipapalabas sa t.v. show ang "Little Big Superstar",subalit ako ay nabigo dahil hindi pa sapat ang boses ko para doon.At ngayon ay tumuntong ana ako sa mataas na paaralan ng Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School.Nang ako ay naging First year high school,ang section ko ay F at marami akong nakasalamuha.Noong una,ako ay laging tahimik at nasa sulok.Nang ako ay marami nang ka-close,ako ay naging madaldal na at magulo sa klase.At ayun ang naging dahilan kung bakit ako bumagsak sa Science.
At bumaba ang section ko.At naging G na ako at mas marami akong nakasalamuha dahil ang daming magugulo sa seksyon na iyon.At doon nabuo ang aking tunay na personalidad,at doon din nabuo ang barkada naming SAIZTHIG na binubuo namin nina Arvin,Miyo,Maricon,Brenda,Lhady at ako.At sa kanila rin nabuo ang pagiging matapang ko sa ilang pagkakataon. Hanggan sa naging Third Year High School na ako at G parin ang section ko,noong Second year pa lamang ako ay meron na akong crush pero sya ay lalaki.hehe.At ang pangalan nya ay Romar Cortez.Na love at first sight ako sa kanya dahil sya ay mabait at matalino kaso magulo. Hanggang Third Year ay Crush ko pa rin siya at hindi pa nawawala ang pagtingin ko sa kanya,pero hanggang tingin na lamang ako sa kanya. Kaya hinayaan lo na lamang siya. Naging mabait ako noong ako ay Third Year kaso ako ay nagloko sa pag-aaral kaya nagkaroon ako ng backsubject na T.L.E. 3.Hanggang sa dumating ang panahon ako ay naging isang Senior na.Madami akong gustong gawin at malaman tungkol sa pagiging senior.May mga kabarkada ako noong Second year at kabarkada ko pa rin sila ngayong Fourth Year.
Ang laki ng utang na loob ko sa kanila dahil sila ang nakapagpabago ng ugali ko. kaso ang ilan sa kanila ay tumigil na sa pagaaral ang isa naman ay nagloko at dalawa ay nag-dalang tao na. Hindi ko lubos-maisip kung bakit sila nagkaganon.Sana ay wala na muling mangyaring ganoon.At meron naman akong natirang kabarkada,kung may nababawasan,mayroon din namang nadadagdagan at nabuo namin ang GIRLS GENERATION na binubuo namin nina Arvin,Kristine,Miyo,Maricon,Harlene,Nikka Rose,Renalyn(pute),Maureen at ako. Sila ang tumutulong sa akin upang makapagtapos ako ng pag-aaral at makamit ang aking pangarap.Ngayong Fourth Year ay meron ulit akong naging inspirasyon at naging crush ko din sya. At ang pangalan nya ay Edibon Flores sya ay Tisoy,masipag syang mag-aral at hindi tarantado.
Noong November 14, 2009 ang pinaka kinatatakutan kong araw na araw ng pagsali ko sa fraternity.Na halos natanggap ko ay puro foul at oneleg.pero kahit muntikan na akong mahimatay ay masaya naman ako pagkatapos. Nang ako ay umuwi,Nahimatay pa rin ako. At marami pa akong gustong gawin sa buong buhay ko.Ito muna ang maikukwuento ko sa inyo. Maraming Salamat For reading.... :-)))

Mga Kaibigan ko

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento