Biyernes, Pebrero 25, 2011

Talambuhay ni Weiland Lozada..

Ako si Manuel Weiland Taboso Lozada,ipinanganak noong ika-5 ng Pebrero 1995,sa syudad ng San Pablo.Ang mga magulang ko ay sina Adrian Lozada at Claribel Taboso. Lumaki ako sa piling ng lola ko na si Corazon Alquiroz Lozada at sya ang nagpalaki at nagpaaral sa akin.Nag-aral ako sa mababang paaralan ng Concepcion. At ngayon ay nag-aaral naman ako sa mataas na paaralan ng Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School. Pangarap kong maging isang guro kapag nakatapos ako ng pagaaral. Mahilig akong magalaga ng hayop at mga halaman.At isa sa mga pinaka paborito kong hayop ay ang pusa.

Ang aking mga alagang pusa
 
Kaya ko gustong maging isang guro ay para matulungan ko ang mga batang walang kinalaman sa mundong ibabaw.May mga kapatid ako,at sila ay sina Alexxandra Nicole Jesalva Lozada at si Frenesi Angeline Taboso Falomar.

Alexxandra Nicole Jesalva Lozada

Frenesi Angeline Taboso Falomar


Ako
 
At ito ang mga nang ako ay naging isang bata,nung una akong naging istudyante sa grade 1,ako ay tahimik lang at iyakin.Hindi pa ako marunong noon magsulat at bumasa.Naging guro ko noon si Gng. Alvarez na sobrang taray pero mabait.Ilang beses nya akong pinapalo dahil hindi ako marunong magbasa at lagi akong huli sa klase dahil sa paglalaro.At ang laki ng ipinagbago ko noong ako ay napunta sa pangalawang antas (Grade 2) at naging guro namin doon ang pinaka paborito kong titser sa aming eskwelahan na si Gng. Agustin.Dito, natuto na akong magbasa,magsulat,magsaulo, at maglakwatsya.Grade two pa lang ako noon ay marunong na akong pumunta sa Sampalok Lake,dahil may daan sa amin pababa ng sampalok lake.Noong unang beses akong pumunta doon ay napagalitan ako ng lola .
Simula noon ay hindi na muli ako pumunta doon.Noong ako ay Grade three na ako ay lumipat sa mababang paaralan ng Guerilla dahil napakataray ng titser ko doion sa Concepcion na si Gng. Mollasgo.Noong napalipat naman ako sa Guerilla ay mas mataray pa pala ang guro doon kaya ako ay umiyak.Wala na akong magagawa dahil ako ay enrolled na.Kinuha ako ng nanay ko at sya ang nagpaaral sa akin.At doon ako nag-aral ng Grade three at Grade Four.Hindi nagtagal,hindi na ako kayang pag-aralin ng aking nanay kaya bumalik ako sa lola ko.At pinag-aral niya akong muli sa Concepcion elementary school.Nang bumalik ako doon,
Hindi ko inaasahang magiging guro ko si Gng. Mollasgo,ang aking pinaka kinatatakutang titser.Namamalo siya ng kamay kapag walang assignment.Kaya lagi na akong nagawa.Magaling naman siyang magturo,kaya lang nagtitinda siya nang hindi alam ang principal sa loob ng room.Kaya siya ay napagalitan ng principal.Nakadaos din ako sa kanya at ako ay isa nang Grade Six.Tuwang tuwa ako noon dahil ang titser ko ay kapit bahay namin.Marami akong nakaaway noon dahil ako raw ay isang bakla ,tinanong ko sila kung bakit ayaw nila sa akin,hindi naman sila nasagot.padating na ang graduation at todo na ang pag-papraktis namin.At dumating na ang graduation namin.Tuwang tuwa ako pag-kaabot sa akin ng diploma.Sa graduation song namin,ako ang may hawak may hawak ng mic dahil ako ang pinili ng titser namin.Npakaiyak ako at hindi ako nakakanta ng maayos.At doon ako nakapagtapos na elementarya.
Lagi nalang akong napapagalitan sa amin dahil matigas ang ulo ko.Minsan lang ako gumawa ng tama.Minsan ayaw din sa akin ng mga tao sa amin dahil ako daw ay isang bakla.Naisip ko noon ano ba ang ayaw nila sa isang bakla? bakit sila naiinis sa akin?At bakit sila galit na galit sa akin?.Sinubukan kong humingi ng pasensya sa kanila at pinatawad naman nila ako.Pero wala naman akong ginagawang masama.Tuwang tuwa sila kapag ako ay kumakanta dahil ang ganda daw ng boses ko.Sinubukan kong sumali noon sa singing contest na ipapalabas sa t.v. show ang "Little Big Superstar",subalit ako ay nabigo dahil hindi pa sapat ang boses ko para doon.At ngayon ay tumuntong ana ako sa mataas na paaralan ng Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School.Nang ako ay naging First year high school,ang section ko ay F at marami akong nakasalamuha.Noong una,ako ay laging tahimik at nasa sulok.Nang ako ay marami nang ka-close,ako ay naging madaldal na at magulo sa klase.At ayun ang naging dahilan kung bakit ako bumagsak sa Science.
At bumaba ang section ko.At naging G na ako at mas marami akong nakasalamuha dahil ang daming magugulo sa seksyon na iyon.At doon nabuo ang aking tunay na personalidad,at doon din nabuo ang barkada naming SAIZTHIG na binubuo namin nina Arvin,Miyo,Maricon,Brenda,Lhady at ako.At sa kanila rin nabuo ang pagiging matapang ko sa ilang pagkakataon. Hanggan sa naging Third Year High School na ako at G parin ang section ko,noong Second year pa lamang ako ay meron na akong crush pero sya ay lalaki.hehe.At ang pangalan nya ay Romar Cortez.Na love at first sight ako sa kanya dahil sya ay mabait at matalino kaso magulo. Hanggang Third Year ay Crush ko pa rin siya at hindi pa nawawala ang pagtingin ko sa kanya,pero hanggang tingin na lamang ako sa kanya. Kaya hinayaan lo na lamang siya. Naging mabait ako noong ako ay Third Year kaso ako ay nagloko sa pag-aaral kaya nagkaroon ako ng backsubject na T.L.E. 3.Hanggang sa dumating ang panahon ako ay naging isang Senior na.Madami akong gustong gawin at malaman tungkol sa pagiging senior.May mga kabarkada ako noong Second year at kabarkada ko pa rin sila ngayong Fourth Year.
Ang laki ng utang na loob ko sa kanila dahil sila ang nakapagpabago ng ugali ko. kaso ang ilan sa kanila ay tumigil na sa pagaaral ang isa naman ay nagloko at dalawa ay nag-dalang tao na. Hindi ko lubos-maisip kung bakit sila nagkaganon.Sana ay wala na muling mangyaring ganoon.At meron naman akong natirang kabarkada,kung may nababawasan,mayroon din namang nadadagdagan at nabuo namin ang GIRLS GENERATION na binubuo namin nina Arvin,Kristine,Miyo,Maricon,Harlene,Nikka Rose,Renalyn(pute),Maureen at ako. Sila ang tumutulong sa akin upang makapagtapos ako ng pag-aaral at makamit ang aking pangarap.Ngayong Fourth Year ay meron ulit akong naging inspirasyon at naging crush ko din sya. At ang pangalan nya ay Edibon Flores sya ay Tisoy,masipag syang mag-aral at hindi tarantado.
Noong November 14, 2009 ang pinaka kinatatakutan kong araw na araw ng pagsali ko sa fraternity.Na halos natanggap ko ay puro foul at oneleg.pero kahit muntikan na akong mahimatay ay masaya naman ako pagkatapos. Nang ako ay umuwi,Nahimatay pa rin ako. At marami pa akong gustong gawin sa buong buhay ko.Ito muna ang maikukwuento ko sa inyo. Maraming Salamat For reading.... :-)))

Mga Kaibigan ko

Huwebes, Pebrero 24, 2011

diz is mai life(ang talambuhay ni Maureen Joyce Sava Fule)



its me..
  Ako si Maureen Joyce Sava  Fule o mas kilala sa tawag na Mara,Lhylie,Mhau at Mhaui.naging palayaw ko ang Mara dahil ng ipinanganak daw ako ang palabas ay Mara Clara.Lhylie dahil iyan ang itinawag saken ng aking mga pinsan ng minsang maglaro kami,kinuha yan dun sa palabas na KAMANDAG sa channel 7.Mhau short for Maureen.Mauiiyan ang itinawag saken ng mga barkada ko nung third yr kami.

        Ako ay ipinanganak noong Mayo 15,1995 at ako ay 15 taong gulang na ngayon.Akong mga magulang ay sina Tiofelo Ramirez Fule aking ama at aking ina ay si Norma Lankin Sava.Ang aking ina ay nagtatrabaho sa ibang bansa.Ang mga kapatid ay sina Mholen  Alcantara siya ang aking panganay na kapatid at siya ay mayroon ng sariling pamailya at may 4 na siyang anak.Ang aking pangalawang kapatid ay si Roque Fule o mas kilala sa tawag na Kilet katulad ng ate ko bayroon na rin siyang sariling pamilya at mayroon na siyang 2 anak.at ang pangatlong kapatid ay si Ruel Fule mayroon na rin siyang sariling pamilya at may 2 anak ngunit hiwalay na sila ng kanyang asawa.

            Ang aking buhay ay malungkot na masaya.Malungkot dahil lumaki ako ng walang ina nagtrabaho kase sita sa ibang bansa para sa aking future para makapagtapos ako sa aking pag-aaral.Ang naalala ko nga lang na nakasama ko ang aking ina sa aking kaarawan ay nung 11th birthday ko.Ayon ang isa sa mga pinakamasaya kong araw kahit konti lang ang aking handa ay ayos lang dahil kasama ko siya.Mis na mis ko na siya.Malungkot nga ako nung graduation ko ng elementarya  dahil hindi ko siya kasama naiinggit nga ako sa iba kong kasabayan na graduates dahil kasama nila ang kanilang ina pero kahit na ganon pa man naiintindihan ko ang aking ina kung bakit nya kailangang gawin dahil gusto nya kaming mabigyan ng maginhawang buhay.
 Masaya dahil kahit na kulang ako sa pag aaruga ng isang ina na dyan ang aking mga kapatid mga tiyahin at mga kaibigan na nagmamahal saken.Masaya ako sa pilibg ng aking mga kaibigan dahil napapasaya nila ako sa oras ng aking kalungkutan.

    ako ay nag aral ng elementarya sa Sta.Veronica Elementary School.Halos lahat ng aking mga kaklase ay aking mga kaibigan at masaya kami tuwing kami ay magkakasama.Tuwing recess namin ay palagi kaming maglalaroat laging nagkukulitan.
Noong Grade 4 kami dahil sa kakulitan namin ay nagcutting kami at naligo sa ilog kami nina Janica,Chery,Anita,Alvin at Gerald at ng may magsumbong sa teacher namin at kami ay ipinayawag sa Principal office.
 Nang ako naman ay mag grade 6 ay isip bata parin kami palagi kaming naglalaro sa loob ng room namin pag wala kaming teacher ang palagi naming nilalaro ay ang star struck-star struckan at jackstone at chinese.Ang pinaka malungkot pero masayang part ay nung graduation namin.Malungkot dahil magkakahiwalay-hiwalay na kaming magkakaklase .Masaya dahil sa wakas makakagraduate na din kami.

  At ng ako ay mag highschool na sa Colonel Lauro D. Dizon Memorial National High School.nung mag first yr ako ang seksyon ko ay 1-I at ang adviser ko ay si Mrs.Jane Lucido at ang una kong naging kong naging kaibigan ay si Renalyn Parlero Puti for short.Palagi kami noong magkasama kahit na minsan nagkakatampuhan kami ay naayos naman namin kaagad.Ang isa ko pang kaibigan ay si Harlene De Guzman siya ang lagi kong tagaayos ng buhok magaling kase siyang mag ayos ng buhok.

 Nang ako ay mag second yr naman ay tumaas ang seksyon ko naging 2-G ako at ang adviser ko ay si Mrs.Nerizza Kuan kabarkada ko parin noon si Renalyn at Harlene.Naging kabarkada ko sina Ahra at Nikka dahil kami ay magkakatabi sa upuan.Kami na yata noon ang pinakamaagulong seksyon dahil palagi kaming magaguidance dahil ang gugulo ng mga kaklase ko.palagi kaming napapagalitan ng mga subject teacher namin.
sila ang aking mga kabarkada
Dahil sa sobrang galit sa amin ni mam Kuan  ay naitaob niya yung table sa harap namin.Pero kahit na ganon pa man masaya parin dahil nakilala ko sina Miyo Weiland Arvin at Lady.Nakaclose ko noon si Miyo nung sumali kami sa fieldtrip kami nga lang 2 ang kasama sa seksyon namin pumunta kami sa GSIS Museum Star City Ocean Park at Mall of Asia.

 Nang mag 3rd yr naman ako ang seksyon ko ay 3-F at ang adviser ko ay si Ms.Deomano.Palagi kaming cutting noon ni harlene lagi kaming magkakasama nina Kristine Harlene Miyo ArviN Weiland Nikka at Puti.Palagi kaming nakatambay sa may jeep ng tikew at 5 na kami ng hapon nauwi.Noong November 14,2009 ay ang nakakakabang araw sa aming 5 nina Arvin Miyo Harlene at Weiland DahilI sumali kami sa Fraternity.

si Miyo Onang Ahra at Ako kuha yan ng mag swimming kami sa palakpakin


  At ngayon fourth yr nako 4G na ang seksyon ko mejo ayako sa mga classmate ko dahil yung iba ay ang paplastik pag nakaharap sayo kunwari ok kayo pero pagtalikod mo ever ever na..pero masaya parin kahit na ganon dahil nakabarkada ko sina Ronnalyn Galicia also known as Onang at si Ahra palagi kami noong nagcucutting tuwing time ng English at kami ay nakain sa my Siomai food house.Tuwing lunch naman ay sa may trojans kami nakain at natambay.Ang pinakaworst day ko ay nung nag sci camp kami dahil napauwi kami ni Miyo dahil nagdala kase kami ng alak na nakalagay sa c2 na principal office kami at nasuspended kami ng 3 araw pero ayos lang dahil alam ko namang mali kami at kasalanan namin yun.Ngayon sa may Patio naman kami natambay kami nina Miyo Onang Ahra Miyo Weiland Puti Arzie Dheck Jerwin Edibon Neil at Jet at kami ngayon ang magkakabarkada.
c onang,ako,allen,rc,putiat  weiland

   AND DIS IS MAI LIFE....

Ang Talambuhay ni Sahagun

         Ako si Shaira Camille B. Sahagun,nakatira ako sa San Gabriel San Pablo City ako ay 16 na,isinilang ako noong April 22, 1995.Ang aking mga magulang ay si Larry Sahagun at ang aking Ina ay si Marilo Sahagun.Ang trabaho ng aking Ama ay Factory Worker at ang aking Ina naman ay OFW .Ang aking mga kapatid ay sina Yrral,Timothy Sahagun at Eunice,Jenina Sahagun.Sila ay nag aaral sa Dizon High.Bata palang ako iniwan na ko ng aking Ina para mag trabaho sa ibang bansa,sabi lang niya sakin pupunta lang daw siya sa Manila.nag aral ako Elementarya sa Abray.Noong Grade1,ang dami kong kaibigan lagi akong nasagot sa aming klase pag tanghali naman nauwi ako sa mga Lola ko para kumain,at pag kakain babalik ulit ako sa school.Makikipag laro ako sa mga kaklase ko,tuwing linggo ako ay nasamba kasama ang aking mga kapatid,tuwing mag tatapos ang buwan pinapadalhan kami ng pera ng mama ko panggastos,nakakalungkot dahil nauubos agad ng papa ko ang pera na kanyang padala dahil sa bisyo,nangungunti narin ang gamit namin kabebenta nya,hindi nya kame binibigyan ng baon pag natawag ang mama ko lagi silang nag aaway iyak kame ng iyak pag sila ay nag aaway,sumapit ang pasko na hindi namin kapiling ang aking Ina,sama sama kaming nag Pasko,nag picture kame para ipadala sa mama ko malungkot ako dahil wala ang mama ko,sumapit ang Bagong Taon na hindi namin kapiling ang mama ko nag picture uli kami para ipadala sa kanya.Sumapit ang aking kaarawan,malungkot ako noon,namatay ang Lola ko,wala tulo'y akong handa,dumating ang Tita ko galing ibang bansa akala ko dadating ang mama ko yun pala ay hindi,dahil di siya pinayagan ng kanyang Amo.Nag alala pati ako kay mama dahil nagkasakit siya,mayagal siyang hindi nakatawag samin,tipid muna kame dahil matagal siyang hindi nag papadala,nagulat nalang ako noong Grade6 umuwi ang mama ko kinaon namin siya sa Airport sakay kami sa van kasama namin ang Tita ko at tsaka ang mga pinsan ko hindi pa namin nakilala ang Mama ko sa sobrang puti nya tuwang tuwa siya sa amin,noong nakita namin sya niyakap ko ito ,kumain kami sa Jollibee ang dami namin nakain noon pumunta din kaming SM para bumili ng gusto namin.walang kaalam alam ang papa ko na dumating na si Mama haidi namin ito sinasabi sa kanya dahil ayaw ni Mama na malaman ni Papa na dumating na siya pan samantala sa San Lucas muna siya tumutuloy at kami naman sa papa namin pag sabado at linggo napunta kami mamalahat ng gusto namin binibigay niya,noong Graduation hindi kasama ang mama ko ang Lola ang kasama sa Graduation parang nakakahalata na ang papa ko samin sinisigawan nya ko,ako ay naiyak,noong nalaman nya na dumating na si mama simula noon lumantd na ang mama ko nag usap sila at nagkasundo na maghiwalay na pinapili kami kung san kami sasama,napag ka sunduan nalang na pag may pasok na kay Mama kami pag walang pasok kay Papa kami.Hindi na nakaalis si mama nag 1st yr. ako sa Dizon High,kasama ko ang Tita ko pag papaenroll dahil may kakilala ang Tita ko na guro .Noong unag pasukan tahimik lang ako wala pa kong kakilala,noong tumagal na ay medyo magulo na.Noong 2nd yr. naman ang section ko ay 2G ang gulo ng sec. namin, lahat ng guro ay suko samin,napagalitan ako ng Guro ko sa Science dahil lagi akong late akala ko nun babagsak ako,dumating ang araw na nawalan ng pera ang kaklase ko pinagalitan kame ng Guro namin hindi kami pinalabas kinapkapan kami isa isa alas dose na hindi pa kame pinapaawas.kinabukasan nag away naman ang 2 kong kaklase nag wala ang Guro namin na si Mam Kuan tinaob niya ang lamesa natamaan ako ng ballpen paiyak na ang Guro naming yun sabi pa sa amin mahihirapan daw kami pagpapapirma ng clearance.Tinatamad ng magturo ang Guro namin dahil ang gugulo namin,kahit mga practice titser ay binabastos namin tuwing tanghali ay napunta kaming bayan para kumain sa Lugaw Queen.noong 3rd yr. naman ako ay naging F panghapon kame nun.Ang kabarkada ko ay si Maureen at Harlene,nag ka cellphone nako nun kaya medyo napapabayaan ko na ang pag aaral ko lagi akong absent tuwing wenesday tahimik lang ako lagi pag nasa room dahil nagt tetext lang ako sa sulok bumagsak ako sa T.l.E. pinatawag ang aking magulang para kausapin ang guro namin,sabi lang na Guro namin ay pinturahan nalang ang upuan ng kulay puti para makapasa .Dumating ang 4th yr. maraming project ang pinapagawa samin kabado ako dahil sa deliveration .

Ang Talambuhay ni Galicia (( ang nag-iisang ONANG!! ))


          Ako si Ronnalyn Saloma Galicia,ipinanganak ako noong nov.09,1993,nakatira ako sa Dulong Bayan San Pablo City,17 taong gulang na,mas kilala ako sa tawag na Onang.Ako ay nag aral ng grade 1 sa Central,at dahil sa murang edad ko pa lamang tuwing ako'y papasok palagi akong umiiyak dahil ayokong pumasok pero lagi akong pinipilit at pinapagalitan ng aking Ina,at di nag tagal tumigil ako ng pag-aaralko,hanggang sa dumaan ang maraming araw lagi lang akong nasa bahay ,at ng dumating na ang araw ng enrolan,pinapili ako ng aking Ina na kung saan ko daw gustong pumasok at ang sabi ko naman sa Fule Almeda Elementary School nalang ako pumasok para mas malapit sa aming bahay,at di nag tagal pumasok na uli ako,hindi na ko katulad ng dati na palaging umiiyak tuwing papasok at araw araw narin akong pumapasok,lagi kung kasabay ang aking pinsan na si Bulaylay .At ng ako'y grade 2 na ang pinsan ko namang si Bulaylay ay Grade 1 padin,dahil gaya ng dati katulad ko rin siya na palaging umiiyak tuwing pumapasok at di nag tagal huminto rin ito sa kanyang pag-aaral at ako naman patuloy na nag susumikap sa pag-aaral  hanggang sa naging Grade 3,Grade 4 at Grade 5 na ko,ngayong Grade 5 na ko marami nako naging  kaibigan at naging masaya naman ako na kasama ko sila,at ngayong Grade 6 na ko exited na kong pumasok at di nag tagal marami na kong nagagawang kalokohan ilang beses pa ngang na papatawag ang aking magulang,isa sa mga naging kasalanan ko ay ang pinaka nakakahiya at memorable sa akin at sa aking maga kaibigan ay nung kami'y nanguha ng rambutan sa nadaanan naming bahay,galing kase kame noon sa bahay ng kaklase ko at doon sa nadaanan naming bahay may nakita kameng rambutan,inakyat ito ng isa kong kaklase na si Kenneth at dahil hindi kaya ni Kenneth ng mag isa umakyat din ang isa ko pang kaklase na si jhomarc at tuwing may nakukuha sila inihahagis naman nila samen,hanggang sa biglang may lumabas sa pintuan,yung may ari na puno ng rambutan at kami'y sinigawan nito at dalidali kaming nag sipag takbuhan tas ng kamii'y malayo na dun sa bahay napansin naming na wala si Rubielle at ng bumaliik kame dun sa bahay  nakita namin dun si Rubielle,naiwan pala siya,iyak siya ng iyak habang kinakausap nung matandang may ari nung puno ng rambutan at ng siya'y aming kausapin,tinanong namin sa kanya kung anong sabi sa kanya nung matanda at ang sabi daw nung matanda,itinanong sa kanya kung saan kame napasok at kung sino ang aming  Principal at sinabi naman ito ni Rubielle at habang kame naman ay kabadong kado na lahat,dahil baka pumunta ito sa school at kausapin ang aming Principal at dahil sa nang yari nag si pag uwian nalang kameng sa aming mga bahay bahay at kinabukasan pumasok na ko sa school,pero handi pa ko nakakapasok sa room nag labasan na yung mga kaklase ko na kasama ko nung nanguha kame ng rambutan,tas ako'y biglang tinawag ni Mam ang sabi pumunta daw kaming 7 sa Principal Office,kabado kaming lahat noon,at ng andoon na kami pinaupo kami ng Principal at sinabi sa amin na baket daw kami nanguha ng rambutan at may pag akyat pa daw kami sa bakod at nag tuloy tuloy na pinagalitan na kami ng sobra sobra ng aming Principal at sinabihan nya kame ng patay gutom ba kayo di ba kayo binibigyan ng baon ng mga magulang nyo,wala man lang umiimik samin kahit isa at ito namang si Kaizzle patawa tawa pa nakita tuloy siya ng Pricipal na natawa at napagalitan siya at pagkatapos nun ang huling sinabi ng Principal ay kailangan bukas ng umaga kasama namin ang aming mga magulang at umuwi na ko samen para sabihin kay mama ang nang yari,at ako'y napagaliyan ni mama at kinabukasan pumasok na ko at kasama ko si Mama.At lumipas na ang maraming araw,dumating na ang panahon na malapit na kong gumaraduate,nag papractice na kami ng kanta namin.At dumating na ang araw na pinakahihintay ko na graduation na at sa wakas graduate na rin ako.
      Ngayong 1st yr. na ko,nung una kabado pa kong pumasok, dahil hindi ko pa kilala ang mga kaklase ko at syempre dahil wala pa kong ka close tahimik lang ako tas nung tumagal na unti unti ko ng nakikilala ang mga kaklase ko,meron na kong naging kaibigan at naging ka close ko narin yung iba at naging ka close ko rin yung 2 bakla na kaklase ko ang pangalan nila ay Weiland at Gessis nabansagang pa nga ako ni weiland ng galiciatic exsotic clinic hanggang sa naging ayon na ang tawag sakin ng iba kong classmate at ngayong 2nd yr. Na ko gaya nong una tahimik lang din ako at ng tumagal medyo madaldal na ako. Palagi nalang akong napapagalitan ni maam.kuan dahil sa sobrang kadaldalan ko at di nagtagal dumami na ang naging kaibigan ko, nakilala ko si Kyle, Daryle, Arlene, Paula, at Ailene lagi kaming nagkukwentuhan at naging masaya naman ang pag-kakaibigan namin.
        Ngayong  3rdyr na ko nung una medyo kinakabahan ako dahil baka mabago ang section ko pero sa awa ng Diyos 3-F pa rin pala ang section ko at yung mga classmate ko nung 2ndyr classmate ko parin ngayong 3rdyr, meron nga lang nadagdag na iba pero okay lang yon at dun nakilala ko ung bago kong mga classmate na lalaki na sina Ardie, Demetrio, Alison, Dave, Borris, Rayos, at Tangkeko, Di nagtagal naging kaclose ko naman sila ganun din sina Bautista, at Alcantara na lagi kong kabiruan at ng kami'y nagbotohan sa class organization ang naging class president ay si Ardie na puro katarantaduhan ang pinaggagagawa. Pero kahit ganon sya masaya naman kami na sya ang naging class president namin, Dahil pag kami'y nag tetest ang sagot ng isa ay sagot ng lahat.
Onang and Mhaui
      



Ngayong 4thyr na ko medyo nahihiya pa kong pumasok kasi nagiba na ang section ko naging 4-G na ko at ang lagi kong kasama ay si Rhaya at nangtumagal naging kaibigan ko na rin Arrah kasi katabi ko sya sa upuan at simula non lagi na kaming makakasamang tatlo at dahil magkakaibigan na kami nagsasabihan kami ng sikreto tungkol sa mga crush crush at ng tumagal pa naging kaclose ko c Mhaui, Weiland at Rc. At sumunod na araw naging kaclose ko na din sina Miyo, Pute, Edibon, Neil, Apozaga, Jerome, Jet, Jm, Sahagun at Himor at palagi kaming natambay sa patio na kasama si dheck at lagi kaming masayang naglolokohan.


                                                      Ang barkadahan ng 4-glamoruos at 4-gamblers







                                                        Ito lang po ang aking masayang karanasan sa buhay
                                                                                                

                                                                          salamat po :-P